Pamagat: Pagsasaayos ng mga Pipe System sa mga Bagong Gusali sa INCAT
Proponent: Jan Genesis Matutino
Marc Clemence Liberato
Matthew Maeger Paiste
Matereza Bagaoisan
Eumebeth Feliciti Dumlao
Charlene Gonzales
Nicole Guillermo
Anne Janette Labucay
Marjorie Rumbaoa
Kyrelle Kae Trinidad
Kategorya: Konstraksyon
Petsa: Pebrero 20, 2020 hanggang Agosto 20, 2020
I. Panimula
A. Rasyunal
Isa sa mga suliraning nararanasan ng INCAT sa kasalukuyan ay ang kawalan ng tubig sa mga bagong gusaling naipatayo. Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga estudyante tulad ng kawalan ng tubig sa mga palikuran at pag-iigib ng mga estudyante ng tubig lalong-lalo na sa mga nasa pinakamataas na palapag na hanggang sa ika-apat na palapag ng mga bagong gusali tuwing kailangan nila ang tubig. Ang pangunahing sanhi nito ay ang hindi pagkakaayos ng pipe system ng mga bagong gusali.
B. Deskripsyon
Nangangailangan ang mga bagong gusali ng pag-aayos ng pipe system upang magkaroon ng maayos na daluyan ng tubig sa mga palikuran, at mapabilis ang mga gawain na may gamit sa tubig gaya ng paglilinis ng silid-aralan at pagdilig ng mga halaman. Kailangang maisagawa na ang proyekto sa madaling panahon para sa kaunlaran at kalusugan ng bawat estudyante. Mga kasalukuyang mga gusali na wala pang maayos na pipe system ay sa Senior High School Building, sa Assistin HalI, ang dalawang bagong gusali sa harap nito, at ang bagong gusali sa harap ng Practical Arts Building. Inaasahang aabot ang pagsasaayos ng pipe system nang lima hanggang anim na buwan upang magkaroon ng sapat na kakailanganin gaya ng tubig sa bawat gusali.
II. Katawan
A. Layunin
Layunin ng proyektong ito na maisaayos ang pipe system na makatutulong upang umunlad ang gawain ng mga estudyante sa paglilinis ng palikuran at sa kanilang silid-aralan upang matiyak ang kalusugan ng mga estudyante.
B. Talaan ng mga Gawain
Plano ng pagsasaayos ng pipe system ng mga bagong gusali ng INCAT.
1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglalabas ng badyet (7 araw)
2. Pagsasagawa ng kontrata mula sa mga tubero ng pipe system (2 linggo)
- Ang mga kontraktor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng kani-kanilang presiyo para sa pagsasaayos ng pipe system kasama ang gagamiting plano para rito.
3. Pagsasaayos ng pipe system sa ilalim ng pamumuno ng administrasyon ng INCAT. (6 buwan)
C. Badyet
Mga Gastusin
|
Mga Halaga
|
I. Halaga ng pagpapaayos ng pipe system batay sa isinumite ng tubero (kasama na rito ang lahat ng mga materyales)
|
Php. 100, 000.00
|
II. Sweldo ng mga trabahador (350 kada trabahador)
|
Php. 100, 800.00
|
Kabuuang Halaga
|
Php. 200 ,800.00
|
III. Konklusyon
A. Pakinabang
Ang pagpapaayos ng pipe system ng mga bagong gusali sa INCAT ay magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng estudyante at mga guro sa INCAT. Ang suliranin sa kalusugan ng mga estudyante ay masosolusyunan. 'Di na mapapagod ang mga estudyante sa pag-iigib ng tubig papunta sa taas na hanggang ika-apat na palapag ang taas. Magkakaroon ng maayos na daloy ng tubig hanggang sa ika-apat na palapag.
Bibilis din ang trabaho ng mga estudyante sa pag-iigib ng tubig para sa panlinis ng kanilang mga silid. Gayundin ang paglinis sa mga palikuran upang mabawasan at malayo sa mga puwedeng makuhang sakit.
Pinakahuli sa lahat ay ang paggawa namin ng Posisyong Papel. Inilahad namin dito ang aming posisyon sa isang isyu na ibinigay sa amin ng guro. Kung sang-ayon ba kami sa pagkakaibigan ng isang guro at isang estudyante o hindi. Dahil sa posisyong papel, nalaman namin na mahalaga ang posisyon ng bawat isa sa isang isyu.
No comments:
Post a Comment