Sunday, 15 March 2020

POSISYONG PAPEL


         
     Limitasyong Ugnayan Tungo sa Kinabukasan 

      Paaralan na nagsisilbing pundasyon ng pakikipag-ugnayan sa bawat isa, mapaestudyante man o guro na maaaring makabuo ng samu’t saring ugnayan. Iba’t ibang perspektibong nakakapukaw tingin sa pagitan ng guro at mag-aaral na magreresulta na parang CCTV kung makatingin ang mga tao nang kay tagal. Maaari nga bang maging magkaibigan ang guro at estudyante sa pagitan ng mapanghusgang lipunan?

               Araw-araw na nagkakaroon ng interaksyon ang guro at estudyante na nagsisilbing tulay ng pagiging malapit nila sa isa’t isa. Sa pagiging malapit nila, matutulungan ng guro ang isang estudyante sa kanyang mga problema. Ayon sa pananaw ni Ricardo Gonzalez, “Ngunit hindi maikakaila na hindi pare-pareho ang iniisip ng tao, kung malapit sila, sa madalas nilang pagkasama, maaari silang magawan ng isyu.” Sa aming pananaw, mas magaganahang pumasok ang isang estudyante dahil makakatulong ang guro sa pagbibigay ng talento ng isang estudyante. Ayon kay Peter Kiddle, isang education expert. “Pero nagkakaroon ng hindi pagkapantay-pantay sa loob ng paaralan, dahil sa kanilang hindi pagkakaisa sa mga kinakailangan sa guro. Ayon sa artikulong portal para sa isang pag-aaral. Pagsasanay sa sarili, 2020. Kung magiging malapit ang ugnayan ng estudyante at guro, mas magiging kumportable at mapanatag ang kalooban ng isang estudyante, dahil sa presensya ng kanyang guro, Ayon muli kay Ricardo Gonzalez. Maaari rin tulungan ng guro sa gawaing pang-akademiko ang kanyang estudyante. Pwede silang mag-bonding, pero ang mapanghusgang lipunan ay pilit na isinisigaw ang maaaring balak ng guro sa kanyang estudyante. Maaaring mag-isip ng malaswa ang mga tao sa lipunan kung ganoon. 

           Para sa amin, payag kami na pwedeng magkaibigan ang guro at estudyante sapagkat maraming maitutulong ang guro sa kanyang estudyante, gaya na lamang ng pagtulong sa gawaing akademiko, mas magiging kumportable sila, sa tulong ng guro mas mahuhubog nila ang kanilang kakayahan at maaaring sandalan sa lahat ng problema nang may limitasyon. Hangga’t tama pa ang pagtrato ng guro sa estudyante sa pantay-pantay na paraan, hindi sa magiging mali ang kanilang ugnyan. Pabayaan na lang ang mapanghusgang lipunan kung tiyak ang aksyon. Maraming maitutulong ang guro sa estudyante sapagkat sila ang pundasyon ng magandang kinabukasan. 

         Sa ugnayan ng guro at estudyante, dapat na huwag gagawa ng kongklusyon sa iyong nakikita lamang. Maaaring malapit ang isang estudyante sa guro, ngunit may limitasyon lang naman. Limitasyong may patutunguhan sapagkat kung may malabag man ang guro, may batas naman na tutulong sa kanila, ang Child Protection Policy.



PANUKALANG PROYEKTO



Pamagat: Pagsasaayos ng mga Pipe System sa mga Bagong Gusali sa INCAT

Proponent:  Jan Genesis Matutino
Marc Clemence Liberato
Matthew Maeger Paiste
Matereza Bagaoisan
                     Eumebeth Feliciti Dumlao
                    Charlene Gonzales
                    Nicole Guillermo
                    Anne Janette Labucay
                    Marjorie Rumbaoa
                    Kyrelle Kae Trinidad

Kategorya: Konstraksyon

Petsa: Pebrero 20, 2020 hanggang Agosto 20, 2020

I. Panimula

A. Rasyunal

     Isa sa mga suliraning nararanasan ng INCAT sa kasalukuyan ay ang kawalan ng tubig sa mga bagong gusaling naipatayo. Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga estudyante tulad ng kawalan ng tubig sa mga palikuran at pag-iigib ng mga estudyante ng tubig lalong-lalo na sa mga nasa pinakamataas na palapag na hanggang sa ika-apat na palapag ng mga bagong gusali tuwing kailangan nila ang tubig. Ang pangunahing sanhi nito ay ang hindi pagkakaayos ng pipe system ng mga bagong gusali.

B. Deskripsyon

Nangangailangan ang mga bagong gusali ng pag-aayos ng pipe system upang magkaroon ng maayos na daluyan ng tubig sa mga palikuran, at mapabilis ang mga gawain na may gamit sa tubig gaya ng paglilinis ng silid-aralan at pagdilig ng mga halaman. Kailangang maisagawa na ang proyekto sa madaling panahon para sa kaunlaran at kalusugan ng bawat estudyante. Mga kasalukuyang mga gusali na wala pang maayos na pipe system ay sa Senior High School Building, sa Assistin HalI, ang dalawang bagong gusali sa harap nito, at ang bagong gusali sa harap ng Practical Arts Building. Inaasahang aabot ang pagsasaayos ng pipe system nang lima hanggang anim na buwan upang magkaroon ng sapat na kakailanganin gaya ng tubig sa bawat gusali.

II. Katawan

A. Layunin

Layunin ng proyektong ito na maisaayos ang pipe system na makatutulong upang umunlad ang gawain ng mga estudyante sa paglilinis ng palikuran at sa kanilang silid-aralan upang matiyak ang kalusugan ng mga estudyante.


B. Talaan ng mga Gawain

Plano ng pagsasaayos ng pipe system ng mga bagong gusali ng INCAT.

1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglalabas ng badyet (7 araw)
2. Pagsasagawa ng kontrata mula sa mga tubero ng pipe system (2 linggo)
- Ang mga kontraktor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng kani-kanilang presiyo para sa pagsasaayos ng pipe system kasama ang gagamiting plano para rito.
3. Pagsasaayos ng pipe system sa ilalim ng pamumuno ng administrasyon ng INCAT. (6 buwan)

C. Badyet

Mga Gastusin
Mga Halaga
I. Halaga ng pagpapaayos ng pipe system batay sa isinumite ng tubero (kasama na rito ang lahat ng mga materyales)
Php. 100, 000.00
II. Sweldo ng mga trabahador (350 kada trabahador)
Php. 100, 800.00

Kabuuang Halaga
Php. 200 ,800.00


III. Konklusyon


A. Pakinabang

Ang pagpapaayos ng pipe system ng mga bagong gusali sa INCAT ay magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng estudyante at mga guro sa INCAT. Ang suliranin sa kalusugan ng mga estudyante ay masosolusyunan. 'Di na mapapagod ang mga estudyante sa pag-iigib ng tubig papunta sa taas na hanggang ika-apat na palapag ang taas. Magkakaroon ng maayos na daloy ng tubig hanggang sa ika-apat na palapag.
Bibilis din ang trabaho ng mga estudyante sa pag-iigib ng tubig para sa panlinis ng kanilang mga silid. Gayundin ang paglinis sa mga palikuran upang mabawasan at malayo sa mga puwedeng makuhang sakit.


Pinakahuli sa lahat ay ang paggawa namin ng Posisyong Papel. Inilahad namin dito ang aming posisyon sa isang isyu na ibinigay sa amin ng guro. Kung sang-ayon ba kami sa pagkakaibigan ng isang guro at isang estudyante o hindi. Dahil sa posisyong papel, nalaman namin na mahalaga ang posisyon ng bawat isa sa isang isyu.

PHOTO ESSAY


Pagtapak sa Eskuwelahan


          Sa buhay ng JHS, nahuhuli ang mga estudyante sa pagpasok sa paaralan dahil sila ay nahuhuling gumising, ang iba naman sa kanila ay natatraffic. Sa araw-araw naman na pamumuhay ng mga estudyante ng Senior High, mas nahuhuli silang pumasok sa kadahilanang sila ay napuyat dahil sa magdamag na pag-rereview at paggawa ng mga requirements nila na kailangang ipasa sa kinabukasan. Dahil sa pagkaka-late nila ,wala na silang oras pa para suotin ang takdang uniporme nila sa kamamadali at sila'y sinisita ng mga guwardiya kung bakit sila late. Halos tumakbo sila para lamang maabutan nila ang kanilang klase.

           
        Pagpasok nila sa kanilang mga silid-aralan, ang iba sa kanila ay hindi nakikinig sa leksyon ng kanilang mga guro dahil ang iba ay nagnanais na makaidlip man lang dahil sa puyat. Ang iba naman ay pinipilit lamang ang kanilang sariling makinig upang kahit papaano ay makakuha sila ng panibagong impormasiyon. Ang iba naman ay palihim na nag-rereview ng ibang asignatura para sa kanilang pagsusulit.

         
        Hindi rin mawawala ang pagkakaroon ng mga activities sa Senior High araw-araw gaya ng pagkakaroon nila ng mga subject na nangangailangan ng paggawa ng research. Ang iba naman ay nagtitinda sila ng mga bagay o pagkain na kanilang gawin na ibinigay na gawain ng kanilang guro na relatibo sa kanilang kursong pinili gaya ng mga kumuha ng kursong Hotel and Restaurant Management o HRM.


       Pagsapit ng kanilang mga vacant hours o ang kanilang bakanteng oras, agad silang pumupunta sa mga lugar na kung saan ay puwede silang gumawa ng mga takdang-aralin, proyekto at makapag-aral ng kanilang mga aralin para sa pagsusulit na kanilang haharapin.


      Sa oras ng uwian, imbes na sila'y umuwi na upang makapagpahinga, kanilang ginagamit din ang oras na ito upang tapusin ang mga iba pa nilang mga gawain o mga proyekto sapagkat kulang ang mga bakante nilang oras upang tapusin ito. Sa huli, kahit sila'y naliligo sa pawis ng kahirapan, alam nilang ang lahat ng mga ito ay magiging daan patungko sa kanilang kinabukasan.


















LAKBAY SANAYSAY


“NAKATAGONG KAYAMANAN SA HAMOG AT BUNDOK NA REGALO NG KALIKASAN”

            Naranasan mo na bang maramdaman ang halik ng klima ng Baguio? O masilayan ang mga mabeberdeng bundok doon na may itinatagong kultura at kasaysayan na kanilang kayaman? Kung hindi pa, damdamin mo muna ang aking mga karanasan patungkol dito.
          


                     
           Nobyembre 8,2019 nang una kong madama ang malamig na klima ng Baguio. Ang tinaguriang “Summer Capital” ng Pilipinas na makikita sa Cordillera at kilala rin ito bilang punong lungsod ng Baguio. Nakita ko rin sa kinaroroonan naming Inn ang unti-unting pag-abot ng araw sa kulay asul na kalangitan, tila gusto nitong halikan. Sa tatlong araw naming pananatili doon dahil sa isang debate tournament na aming sinalihan, una kong natuklasan at nasaksihan ang kasaysayan nito dahil sa paglektura sa amin ng isang propesor sa UP. Kaniyang isinalaysay na ito’y itinatag ng mga amerikano sa taong 1900 upang maging bakasyonan tuwing panahon ng tag-init dahil may mataas itong elevation na kung saan ay habang tumataas ang elevation sa isang lugar,numinipis ang mga sangkap ng gas nito kaya lumalamig ang temperature. Ngunit bago pa man daw maapakan ng mga amerikano ang Baguio, may unang pangalan na ito, ang ‘Kafagway’. Ngunit sa paglipas ng panahon, tinawag na raw itong Baguio na hango sa isang halaman na kung tawagin ay  ‘Bigyiw’

                      
  
             Sa huling araw naming doon, kami’y nagtagal sa ipinagmamalaki nilang Mines View Park. Marami ang dayo noon doon upang makita nila at masaksihan ang mga bundok na umaakit sa mga mata ng karamihan dahil tila isa itong diyamante sa tuwing hinahaplusan ito ng araw at pati narin ang nagkakapalang hamog na humahaplos sa matayog na bundok na kapwa sumisimbulo sa Baguio. Kung sa iba’y magagandang tanawin lamang ang makikita sa Mines View Park, nakita ko naman doon ang hanapbuhay ng karamihan gaya ng pagbebenta ng gulay at prutas tulad ng repolyo, pechay, ubas, strawberry at iba pa dahil kilala ang Baguio sa pagkakaroon ng preskong mga gulay at prutas na isa sa mga dahilan ng pagbisita ng mga turista sa lugar na ito.  Kanilang itinitinda ang mga ito sa mga tourist spot gaya ng Mines View Park at Burnham Park dahil mas madami silang naibebenta rito.  Paggawa rin ng mga muwebles  na yari sa matitibay na puno ng Baguio ang isa ring hanapbuhay nila pati na ang paggawa ng mga bag at pitaka na gawa sa inabel na kanila ring ibinebenta sa mga turista. Ang iba pa nga’y may matatanda rin na nakasuotvng tradisyunal na kasuotan ng mga taga-Baguio na kung saan ay puwedeng makipag-picture sa kanila sa halagang ₱50.00. Ayon sa kanila, ito’y hanapbuhay nila hindi upang makakita ng pera kundi upang ipreserba ang kanilang kultura at tradiyon na kanilang minana pa sa kanilang ninuno bago pa man tayo sakupin ng mga Espanyol at Amerikano.

           Siyempre sa tuwing bumibisita tayo sa mga lugar na ngayon pa natin napuntahan, hinahanap ng ating tiyan ang ipinagmamalaki nilang pagkain na kakaiba gaya sa Rizal kung saan ay ipinagmamalaki nila ang kanilang Adobong Uok, Abuos naman sa Ilocos at Adobong Kamaru naman sa Pampanga. Aking nasaksihan naman at natikman ang ipinagmamalaki ng Baguio na Sinigang na Stwaberry na yayakap sa lalamunan ng lahat ang asim na nangagaling sa sabaw nito na may piyas at strawberry. Ang pangunahing sangkap sa pagkain na ito ay  puwedeng isda at karne ng baboy. Hindi rin papahuli sa mata ng karamihan ang pinakasikat na prutas ng Baguio na kanilang ipinagmamalaki dahil dito lamang makikita at sa ibang bansa, ang strawberry.  Ginagamit din nila ang strawberry upang sila’y makabuo ng panibagong produkto ng Baguio gaya ng Strawberry Jam na kanilang ginagawa na noon bago pa man bago tayo sakupin ng mga Amerikano, ito’y kanilang ginagawang palaman sa pandesal at biskwit. Peanut Brittle rin ang isa sa kanilang ipinagmamalaking produkto nila sa mga turista dahil umuukit sa lalamunan ng mga tao ang kakaibang lasa ng dinurog na mani nito. Di pa man tayo sinasakop ng mga Amerikano at Espanyol, ito’y naging kanilang pampatamis sa mapait na karanasan nila sa mundo.
                           

                         
            Ang importante sa lahat na aking nakitang sumisimbulo sa Baguio ay ang nagsisilbing pundayson nito, ang kanilang kultura na napansin kong kanilang iniingatan. Isa na rito ang paniniwala nila sa kulam at paggawa ng mga halamang gamot na pinaniniwalaan ng karamihan at isa na ako roon dahil bumili ako ng kuwintas o birthstone. Sinabi sa akin ng matandang pinagblihan ko ay nagbibigay suwerte raw ito at pinapataboy nito ang mga masasamang espiritu. May nakita rin akong miyembro ng mga etnikong grupo. Ang iba sa kanila ay tinatawag na ‘Ibaloi’. Ayon sa mga sabi-sabi, ang layunin daw ng mga ito ay ipreserba ang kanilang kultura gaya ng pagdamit nila ng tradisyunal na kasuotan gaya ng kambal (blusa) at ang a-ten o di-vet (tapis o palda) na paraehong gawa sa inabel. Ang pag-uukit nila sa mga kahoy na hugis ari ng mga lalaki na kanilang pinaniniwalaan na ito raw ay simbulo ng pagiging malakas at pagbibigay supling sa mga nais magkaroon ng anak. Ang pagprepreserba rin daw sa pagsasaka at pagtatanim ng mga gulay at prutas ay siyang pundasyon ng kanilang kultura.

          Sa lahat ng lugar na aking napuntahan gaya ng Ilocos Sur, Pampanga, Davao at iba pa, itinuturing ko ang Baguio na aking pinakapaboritong lugar sa buong mundo. Hindi dahil sa tanawin na sumisilay sa harap ng mga bundok o ang nagkakapalang hamog na humahalik sa mga ito kundi ang kayamanan na nakatago sa mga bunok at hamog sa lugar na ito na aking nasaksihan. Kayamanang regalo ng kalikasan sa mga tao na kailangang ingatan at protektahan upang hindi manakaw ng iba. Ngunit nakakalungkot lamang isipin na hindi na dinidiskubre ng karamihan ang totoong kayaman ng lugar na ito.

         Ang lahat ng mga ito hindi lang ang kultura ang nagsisilbing pundasyon ng Baguio kundi pati rin ang mga taong nagpapahalaga sa lugar at kayaman na nakatago sa nagkakapalang hamog at bundok na regalo ng kalikasan sa lugar na ito.

REPLEKTIBONG SANAYSAY



  Oh, Guro! Bakit nga ba?

         Ang mga Guro ang nagsisilbing nanay sa paaralan na kung saan tayo ay dini-disiplina, tinuturuan din tayo ng mabuting-asal, at minamahal na itinuturing na mga anak. Sa kasalanan ng guro na si Gng. Melita Limjuco, na pinahiya at pinalabas ang bata dahil daw ito sa card ng bata na nakalimutang dalhin at isauli sa guro. Nararapat bang ipaabot sa tulfo? Ito ba ang dapat gawin? 

         Sa napanood ko sa programa ni Raffy Tulfo na "Tulfo in Action", ako'y lubos na nalulungkot sa guro at sa pamilya ng bata. Dahil lang sa card ay umabot na sa Tulfo, nararapat na sundin ang mga proseso upang maliwanagan ang bawat isa sa kanila, bilang isang estudyante nararapat na maging disiplinado sa loob ng paaralan at sundin ang mga guro para sa ikabubuti natin. Ngunit sa nasabing isyu, na pinahiya at ipinalabas ang bata dahil sa kakulitan ng bata na kung saan, hindi na nakapagtimpi ang guro, hindi ba nila naisip na kapag napapagalitan ang isang tao ay dahil sa nagawang kasalanan niya. Para rin sa akin, mas nakabubuti, kung hindi na nila sana umabot sa ganung punto, dahil masakit sa pamilya ni Gng. Limjuco na marinig at kusa niyang pinili ang pagtanggal sa kanyang lisensya bilang isang guro, sana naman inalam nila ang totoong nangyari upang hindi sila nahihirapan.

        Sa nasabing isyu, nabigyan ng kahihiyan ang guro dahil sa maraming tao ang nakapanood at narinig sa isyung kinasasangkutan niya, at kay Raffy Tulfo, dahil sa nabitawan niyang salita na hindi dapat at ang dignidad ng guro na pinoprotektahan niya ay nagalusan na dahil sa kanyang nagawa. Responsibilidad din ng guro at ang pamilya ng bata, na disiplinahin siya. Mahalagang pahalagahan ang bawat guro, at respetuhin sila, hindi lang ang mga guro, ngunit ang mga taong nakakasalamuha natin.

BIONOTE



         Si Ginoong Eldefonso B. Natividad, Jr ay isang Master Teacher I sa Institusyon ng Ilocos Norte College of Arts and Trades. Siya ay tatlumpu't dalawa taong gulang, ipinanganak siya sa Lungsod ng Laoag. Siya ay nagpakadalubhasa ng kanyang kolehiyo sa Mariano Marcos State University at kinuha ang kursong Secondary Education Major in Mathematics at nagtapos siya bilang Magnacumlaude. Naging ganap siyang guro noong naipasa niya ang Licensure Examination for Teacher's sa taong 2008 at naka-rango siya sa ika-labing dalawang puwesto sa buong Pilipinas. Tinapos niya ang kanyang Masteral sa Mariano Marcos State University at sa taong 2018, natapos niya ang kanyang Doktorado sa Divine World College of Laoag sa kursong Doctor of Philosophy Major in Development Education.